Layunin ng OEO na mabawasan ang mga 'di pantay-pantay na oportunidad. Nakatuon ang aming plano sa pagbabawas ng 'di pantay-pantay na oportunidad sa pamamagitan ng paggamit ng aming mga limitadong mapagkukunan sa pagresolba ng salungatan sa mga mag-aaral ng K-12 na:
- 'Di nag-aaral, kabilang ang mga mag-aaral na may kapansanan na tumatanggap ng bahagi lamang ng mga araw ng pasok.
- Mga taong may kulay, Itim, o katutubo
- Nakakaranas ng kawalan ng tirahan
- Nasa pangangalaga ng kamag-anak o foster care
- Kasama sa mga sistema ng hustisya o rehabilitasyon para sa kabataan
- Imigrante, refugee, asylee o migrante, o mga mag-aaral o pamilya na ang (mga) pangunahing wika ay 'di Ingles
- Tumanggap ng Wraparound with Intensive Services (WISe) o mga Suporta ng Children’s Long Term Inpatient Programs (CLIP), o
- Kabataang Transgender o Nonbinary