Mga Reklamo at Proseso

Mga Reklamo at Proseso

Sa pag-navigate ng K-12 na edukasyon, maaaring lumitaw ang mga alalahanin na maaari ring humantong sa mga hindi pagkakasundo. Maaaring mangahulugan ang mga hindi pagkakasundong ito ng kawalan ng pagkilala na may isyu na nakakaapekto sa edukasyon ng isang mag-aaral, maling pag-unawa sa isyu, o kawalan ng kasunduan sa pinakamahusay na solusyon. May mga pagkakataong maaaring ayusin ang mga alalahanin sa hindi pormal na paraan. Kasama sa mga maaaring gawin ang pag-aayos ng pagpupulong para pag-usapan ang mga hadlang sa edukasyon at makahanap ng solusyon kasama ang mga guro at staff ng paaralan o distrito. Nandito rin ang OEO para maging katuwang sa pag-iisip ng mga susunod na hakbang para matugunan ang mga alalahanin.

May mga pagkakataong kinakailangang pag-isipan at gamitin ang pormal na proseso ng pagresolba ng hindi pagkakaunawaan. Depende sa isyu, maaaring may nakatalagang proseso para sa paghahain ng reklamo. Halimbawa, maaaring magsumite ng reklamo tungkol sa Espesyal na Edukasyon para matugunan ang mga paglabag sa mga alituntunin ng estado o pederal na may kaugnayan sa serbisyong pang-edukasyon, basta’t isinampa ito sa loob ng isang taon mula nang mangyari ang paglabag. Sa page na ito makikita ang impormasyon tungkol sa mga opisyal na proseso ng pagsasampa ng reklamo para ayusin ang mga hindi pagkakaunawaan. Maaaring sagutin ng OEO ang mga pangkalahatang alalahanin tungkol sa iba't ibang proseso ng reklamo.     

Mag-click sa link sa ibaba para malaman ang higit pa tungkol sa mga kasalukuyang proseso ng reklamo: